Friday, July 12, 2019

Nasaan ka na? 

Bumalik ka na. 

Naliligaw ka ba? Hahanapin kita. 

Walang sapat na salita ang pwedeng magbigay ng dahilan sa mga pusong pagod. Segundo lang ang pagitan ng kasiyahan at kalungkutan. Subalit sa taong nais magbago ngunit hindi pinapayagan ng mundo, ang lahat ng ito ay nangyayari lamang sa bawat minutong pag-idlip. Bakit nga ba ang ito pinagkait ng panahon, madalas na tinatanong. Hindi ko alam. Dama ko ang layo ng realidad sa kinaroroonan ko. Ang daming tanong. Ang daming sagot na wala namang kahulugan. Ngunit mayroong mga panahon, sa kalagitnaan ng okupadong buhay, ay mapapaisip ka, na baka hindi ka naman talaga naliligaw. Na sa bawat pintig ng puso mo ay may pahiwatig na matagal mo nang binabaon sa pinakamalalim na parte ng puso mo. Natatakot ka ba? Huwag kang matakot. Pwede ba nating subukan ulit? Nanghihina ang mga tuhod mo at dama mo ang mga luhang pilit na tumatakas sa mga mata mo. Hinayaan mo lang sila. At hinayaan mo din ang damdamin mong nagliliyab sa kagustuhang maintindihan. Sa mga oras na sinusulat mo 'to, alam na alam mo na ang mga sagot sa mga katanungan mo. Bumalik ka na, nakikiusap ako. Hindi pa tapos ang piyesa, nagsisimula palang ta'yo. Bumalik ka na ulit at marami pa tayong buhay na babaguhin. Bumalik ka na at huwag kang matakot. Sinisigurado ko sa'yo na hindi ka mag-iisa. Huwag mong ipagkait ang sarili mo, dahil hindi mo pagmamay-ari ito. Bumalik kana, kung handa ka na,  dahil tatapusin pa natin ang piyesa. Bumalik ka na, dahil marami pa kaming  nag-aantay sayo.

Ipangako mo saakin na babalik ka.

Maghihintay ako.
Maghihintay kami.
Kahit gaano katagal, basta bumalik ka.

No comments:

Post a Comment